Hindi ako isang mahusay na manunulat o’ isang magaling na makata. Isa lamang akong simpleng tao na nabibilang sa tinatawag nilang pag-asa ng bayan na nagnanais makapagbigay ng pahayag, pananaw o’ saloobin, at mga ilang pangyayari sa lahat. Hindi ko alam kung paano at saan magsisimula.
Taong 1991, ika-24 ng buwan ng Agosto, 10:20pm isinilang ng isang ilaw ng tahanan ang isang sanggol mula sa kanyang sinapupunan. Isang murang bata na pilit iniiwas sa mga kagat ng lamok. Batang mahilig mang-istorbo ng hatinggabi. Isang batang inaruga at inalagaan ng kanyang mga magulang. At ang batang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang ganda ng mundo.
Ang batang ‘yon ay walang iba kundi AKO. Ako na nagpapasalamat sa buhay na pinagkaloob Niya.
Childhood. I always want to play since then. Musmos na batang pinipilit makalabas ng bahay para lang makapaglaro. Isang batang walang pakialam kung madungisan ang katawan, marumihan ang mga kamay, masugatan ang mga tuhod o’ mapilayan ang mga paa makapaglaro lamang.
I have a lot of friends, childhood friends. Kadalasan mga pinsan ko yung iba. Sa lahat, isa sa kanila ang naging special para sakin. Why special? Kasi marami akong natutunan sa kanya. Taon din yung pinagsamahan namin. We shared lot of stories kahit habang naglalaro.
“Gusto ko nang tumanda,” sabi niya isang araw. “para marami na kong magagawa”.
Napaisip tuloy ako. “Tingnan mo sila,” sabay turo sa grupo ng mga ibong lumilipad. “Hindi sila napapagod lumipad ng lumipad. Hindi nila iniinda yung pagod kasi sama-sama sila.”
“Ano ibig mong sabihin?”
“Na gusto kong tumanda ng may kasama. At sama-sama!”
***
Pinasok ko naman ang mundo ng elementarya kung saan marami akong nakilalang kaibigan na talaga naman masasabing totoo. Palibhasa mura pa nga ang isip, kaunti pa rin ang pokus sa pag-aaral. Kadalasan laro pa rin ang nasa isip.
Naging masaya naman ang anim na taon ko sa elementarya. Nagtapos ako ng may karangalan at nagampanan ang simpleng tungkulin sa mababang paaralan na aking pinasukan.
“… Isang karangalan para sa akin ang tumayo sa inyong harapan ngayon at ipagmalaki ang aming pagtatapos.”
-JL Gomez, Third Honorable Mention
MES, Class 2004
***
Teen’s Life. Year 2004, when I entered the first year of my secondary education. Sa isang kilalang paaralan sa bayan ng Calamba ako pumasok ng High School. Sabi nila, high school is the most memorable part of a student’s life. At napatunayan ko yun sa aking sarili. Masaya maging high school. It also focuses some extra curricular activities like the Junior – Senior Promenade. Maraming bagay ang nadevelop sakin nung ako’y nasa high school gaya ng pagsusulat at pamumuno. Sa highschool ko rin nakilala ang aking first love. Aakalain mo matagal ang apat na taon pero sa totoo lang para sa’kin kulang pa ang apat na taon para i-enjoy ang pagiging high school.
As a Youth Leader. October 2007, ng maganap ang pangkahalatang halalan sa buong bansa para sa mga bagong opisyales ng pamahalaang pangbarangay. Isa ako sa napili ng aking pinsan, kumandidato bilang SK Chairman, para maging kanyang Kagawad. I-grab the opportunity to join and to run. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napili na-elec naman ako as one of the SK Councilor ng aming barangay. Sa taong 2010 nakatakda ang aming huling panunungkulan. Pero bago pa yan, madalas na rin ako lumahok sa mga political activities ng school. I hope nagampanan ko naman ng ayos lahat ng aking mga tungkulin.
As a Managing Editor. Ever since, I love to write poems, articles, songs and etc. so I decided to contribute some piece in our school publication that time. At ito nga ‘yong naging daan upang mapili ako as one of the editors of the high school publication. Isang taon din akong nagging bahagi ng publication na ‘yon. Maraming nadagdag sa mga natutunan ko nung elementary pagdating sa school paper. Sabi nga diba kung gusto mo talaga ang pagsusulat mae-enjoy mo daw talaga ang maging bahagi ng publication. Naaalala ko nun, every issue nag-oovernight kaming mga staff para sa pagle-layout g school paper. Masayang experience ‘yon. Nakakapagod pero enjoy naman.
March 27, 2008. Natapos ko ang aking pag-aaral ng high school. Ang sarap ng feeling na magmartsa kasama magulang. Umakyat sa entablado para kunin ‘yon diploma na siyang patunay na ikaw na nga’y nakatapos ng high school sa ayaw at sa gusto mo.
Nang taong din ‘yon, nakapasok ako sa isang kilalang university dito sa ating bansa. Mahirap makapasok sa sintang paaralan na ‘yon kailangan kasi makapasa ka muna sa entrance exam nila. Pinipilahan talaga iyon sapagkat napakamura lamang ng tuition fee. Kumbaga pamasahe lamang ng isang estudyante mula sa isang pang-pribadong kolehiyo. At sa awa naman ng Poong Lumikha nakapasa ako at nabigyan ng pagkakataong makapasok sa paaralang ‘yon.
Natural lang naman sa mga mag-aaral lalo na yung nasa teenage life ang mahikayat at maligaw ng landas. Nang mga kapanahunang ‘yon hindi ko nap ala kilala ang aking sarili. Nakita ko na lang na iba nap ala ang nilalakaran kong daan. Sa bawat pagkakamali ay may kaparusahan nakalaan para dito. Kailangan lang maluwag mong tatanggapin ito at handang magbago.
Natakot ako. Akala ko katapusan ko na. Mayroon pa palang pag-asa at pagkakataon. Naisip ko, ngayon pa lang magsisimula ang lahat, ang lahat – lahat …